![]()
Nangako ang mga manufacturers na hindi sila magtataas ng presyo hangga’t kaya nila.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagtiyak sa publiko na sapat ang food supply ng bansa, sa kabila ng tensyon sa Middle East.
Ginawa ng Pangulo ang pagtiyak kasunod ng kanyang pagbisita sa Century Pacific Food Inc. sa Calamba distribution center sa Laguna.
Aniya, walang dapat ipag-alala ang taumbayan dahil sapat at pangmatagalan ang supply ng pagkain sa bansa.
Sinabi ni Marcos na pumayag ang mga manufacturer na panatilihin ang kanilang presyo ng isa o dalawang buwan.
Patuloy naman aniya babantayan ng gobyerno ang food supply, pati na ang mga presyo, sa gitna ng kaguluhan sa Gitnang Silangan na siyang dahilan ng pagsipa ng presyo ng petrolyo.
