dzme1530.ph

MGA MANGINGISDA SA WEST PHILIPPINE SEA, MAS MAPOPROTEKTAHAN SA DAGDAG PONDO SA BFAR SA 2026 NATIONAL BUDGET

Loading

Kumpiyansa si Senador Kiko Pangilinan na mas mapapalakas ang proteksyon sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) bunsod ng dagdag na pondo sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng 2026 budget ng Department of Agriculture (DA).

Ito’y matapos aprubahan sa bicameral conference committee ang dagdag pa na ₱600 million na pondo sa tanggapan para sa mga mangingisda sa WPS.

Ayon kay Pangilinan, bagamat malayo pa ito sa katotohanan, ang mahalaga ay nauumpisahan nang mabigyang pansin ang kalagayan ng mga mangingisda sa WPS.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na frontliner ang mga mangingisda at mahirap na itulak ang food security kung mismong ang mga nagdadala ng pagkain ay dinededma sa pondo.

Kabilang pa sa itinaas ng BFAR budget ay para sa monitoring, control and surveillance para labanan ang iligal na pangingisda at ₱150 million na alokasyon para sa mobile water treatment at desalination system.

About The Author