dzme1530.ph

Mga mangingisda, protektado ng Philippine Navy sakaling arestuhin ng China sa West PH Sea

Nakahandang ipagtanggol ng Philippine Navy ang mga Pilipinong mangingisda na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea sakaling arestuhin ang mga ito ng China Coast Guard (CCG). Ito ang tiniyak ni Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad.

Samantala, binigyan-diin naman ni Trinidad na handa nilang ipatupad ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na protektahan ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Nakikipagtulungan na rin ang Pilipinas sa mga partners countries nito upang kumpirmahin ang napabalitang paglalatag at pagbabaon ng mga barko ng China ng tubo sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

About The Author