dzme1530.ph

Mga mangingisda naglagay ng Giant Buoy floating device sa San Salvador Islands, Zambales

Naglagay ang mga mangingisda ng higanteng Buoy floating device na may nakasulat na ‘Atin ang Pinas’ sa San Salvador Islands bilang tanda na sakop ng Pilipinas ang nasabing karagatan at protesta sa patuloy na pangha-harass at pag-angkin ng China sa nasabing teritoryo.

Ayon kay Incoming Barangay Chairman Richard Pascual, ang mga residenteng mangingisda ay sa katubigan ng San Salvador lamang umaasa ng kanilang pagkukunan ng pagkain at kabuhayan kaya malaking banta para sa kanila ang ginagawang pangha-harass ng China. Hiling nila ang malayang pangingisda sa nasabing katubigan upang matustusan nila ang kanilang mga pangangailangan.

Nagpapasalamat naman sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine Coast Guard at lokal na pamahalaan sa patuloy na suporta at ayuda sa mga mangingisda.

-Ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author