![]()
Sinalubong ng mahabang pila sa mga public utility vehicles terminal sa Metro Manila ang mga commuter na balik-trabaho na ngayong araw matapos ang Holy Week break.
Marami sa mga commuter ang maaga pa lamang ay nakapila na sa mga terminal habang ang ilan ay nagtiyagang tumayo at makipagsiksikan sa mga bus.
Nakabantay naman ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority at paulit-ulit na pinaalalahanan ang mga commuter na sa designated loading and unloading area maghintay.
Nag-deploy naman ang Department of Transportation ng karagdagang bus na nagbibigay ng libreng sakay sa mga apektadong commuter.
