dzme1530.ph

Mga manggagawa sa lalawigan, dapat may wage increase din!

Matapos maaprubahan ang P40 dagdag sa daily minimum wage sa Metro Manila, nanawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, III sa iba pang regional wage boards sa bansa na sumunod ang mga ito at magpatupad din ng makatwirang umento sa minimum na sahod sa kani-kanilang mga rehiyon.

Kasabay nito, pinuna ng senador ang napakababang minimum wage na umiiral sa maraming rehiyon sa bansa.

Binigyang-diin ni Pimentel na kailangang repasuhin at suriing muli ang kasalukuyang wage rate o antas ng sahod para matiyak na rasonable at makatotohanan ito para sa mga manggagawa sa lahat ng lalawigan sa bansa.

Binigyang-diin ni Pimentel na kahit naman sa rural areas ay nakakaranas ng hirap ang mga residente doon sanhi ng epekto ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin, kasama na ang mas mataas na halaga ng gasolina at singil sa kuryente. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author