dzme1530.ph

Mga mangangalakal, hiniling na maisama sa EPR system

Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maisama ang mga waste pickers o mangangalakal sa Expanded Producer Responsibility (EPR) system para sa plastic packaging waste.

Ayon kay DENR Secretary Antonia Loyzaga, bahagi ang mga waste pickers ng informal waste sector sa Pilipinas at malaki ang parte nila sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ani Loyzaga, ang EPR Law ay nagsisilbing environmental policy approach na nangangailangan ng mga responsableng tauhan na tututok sa buong life cycle ng isang produkto, lalo na ang post-consumer o end-of-life stage nito.

Binigyang diin pa ng kalihim na ang pagsuporta sa informal sector at pagtatatag ng tamang imprastraktura ay kabilang sa mga critical factors upang mapabilis ang economic growth ng bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author