Hinimok ni Sen. Alan Peter Cayetano ang mga kapwa mambabatas na maghinay-hinay sa paggamit ng kapangyarihang mag-cite in contempt sa mga pagdinig ng Senado.
Iginiit ni Cayetano ang kahalagahan ng pagiging kalmado at ang pag-iwas sa paglala ng tensyon sa loob ng sesyon.
Ito ay kasunod ng mainit na pagdinig kamakailan kung saan nagmosyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na i-cite in contempt si Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao dahil sa pagbibigay aniya ng maling pahayag.
Ngunit sa halip na agad lagdaan ang contempt order, ipinag-utos ni Senate President “Chiz” Escudero ang pagpapalaya kay Lacanilao at naglabas na lamang ng show cause order sa kanya.
Nilinaw ni Cayetano na ang paglalabas ng contempt order ay isang kapangyarihang may kalakip na discretion at dapat dumaan sa due process at masusing pagsusuri.