Hinimok ng Drug Policy Reform Initiative ang mga mamamahayag at peryodista na maging sensitibo sa pagbabalita patungkol sa drug case.
Base sa pag-aaral ng grupo, dumadami ang mga nahuhuli sa droga hanggang sa tuluyan nang napupuno ang mga piitan sa bansa pero ilan lang dito ang nako-convict.
Dagdag pa ng grupo, nasa 72% ang na-aquit at 28% lang ang guilty kung kaya nagka-clogged ang mga kulungan.
Hiling nila na maging makatao at makatarungan ang pagpapahayag lalo at ang mga nahuhuli ay hindi pa nahahatulan at nanatiling inosente sa krimen. —sa ulat ni Jay de Castro