dzme1530.ph

Mga magsasaka at mangingisda, kinilala ni Pangulong Marcos sa paglulunsad ng Food Month

Loading

Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka, mangingisda, maging ang mga nasa industriya ng pagkain dahil sa kanilang pagsisikap na matiyak na mayroong mapagsasaluhan sa bawat hapag-kainan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Filipino Food Month.

Sinabi ni Marcos na huwag nating kalimutan na sa bawat masarap na putahe ay may mga kamay na nagtitiyaga upang mayroon tayong maihain sa ating mga mesa.

Kasabay nito ay ang pagtiyak ni Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mabigyan ang mga Pilipino ng sapat at murang pagkain.

Sa ilalim ng Presidential Proclamation no. 469, idineklara ang Abril ng bawat taon bilang “Buwan ng Kalutong Pilipino” o “Filipino Food Month” kung saan inaatasan ang Department of Agriculture at National Commission for Culture and the Arts na pangunahan ang selebrasyon.

About The Author