Hinikayat ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga magsasaka at mangingisda na gamitin nang tama ang ipinagkaloob sa kanilang presidential assitance.
Sa distribusyon ng assistance sa Pili, Camarines Sur ngayong biyernes, pinayuhan ng pangulo ang mga benepisyaryo na gamitin ang pondo upang palawakin ang mga lupang sakahan, palaisdaan, at mga negosyo.
Inanyayahan din silang makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang magamit nang husto ang mga lupain at matutunan ang mga makabagong paraan na magpapadali sa kanilang hanapbuhay.
Inatasan din nito ang Dep’t of Agriculture at Dep’t of Agrarian Reform na ipagpatuloy ang pamamahagi ng lupa at mahahalagang serbisyo sa mga magsasaka, lalo na sa mga lubhang naapektuhan ng El Niño.
Pinayuhan din ng pangulo ang mga magsasaka na huwag mahihiyang lumapit sa gobyerno sa oras ng pangangailangan.
Sa nasabing seremonya ay ipinamahagi ni Marcos ang tigsa-sampunlibong pisong ayuda, mga makinarya, at mahigit dalawanlibong titulo ng lupa sa Agrarian Reform Beneficiaries sa Bicol region.