Tiwala si Sen.Grace Poe na sa panunungkulan ni Sen. Sonny Angara sa Department of Education ay magpapatuloy ang Alagang Angara legacy.
Sinabi ni Poe na tiyak na magiging malaki ang kapakinabangan ng kabataang mag-aaral sa pagtatalaga ng Pangulo sa isang visionary at education advocate sa ahensya.
Sinabi ni Poe na kilala si Angara bilang tagapagsulong ng dekalidad na edukasyon na pinatunayan niya sa mga batas na kanyang inakda.
Kabilang dito ang Unified Student Financial Assistance System Act (UNIFAST) scholarships, ang Student Fare Discount Act, kasama rin ang Universal Access to Quality Tertiary Education, at Open Learning and Distance Education Act.
Sa kanya namang pagbati sa appointment ni Angara, sinabi ni Sen. Lito Lapid na tiwala siyang kayang harapin ng incoming DepEd Secretary ang napakalaking hamon sa sektor ng edukasyon.
Tiniyak din ni Lapid na mananatiling kabalikat ni Angara ang Senado para sa pagsulong ng kapakanan ng mga guro, mag-aaral, at lahat ng nasa sektor ng edukasyon.