Muling kinalampag ni Sen. Sherwin Gatchalian ang lahat ng lokal na pamahalaan na umaksyon na at ipagbawal na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanilang nasasakupan.
Ito ay kasunod ng executive order ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na nagbabawal sa pagkakaroon ng POGO sa kanilang lalawigan.
Sinabi ni Gatchalian na dapat tularan ng lahat ng LGU ang Bulacan kasabay ng paggiit na mas may pagkakataon ang mga komunidad na makamit ang inklusibong pag-unlad ng ekonomiya nang walang POGO.
Bukod sa Bulacan, una na ring nag-isyu ng mga ordinansa na nagbabawal na sa POGO ang mga lungsod ng Pasig at Valenzuela.
Nanindigan si Gatchalian na ang tuluyang pag-ban sa mga POGO ay isang hakbang na kailangang gawin dahil sa iba’t ibang mga suliraning panlipunan na dulot ng industriya.