dzme1530.ph

Mga lokal na pamahalaan at mga residente, hinikayat na gamitin ang E-LGU system para sa online application sa local services

Hinikayat ng Malacañang ang mga lokal na pamahalaan at kanilang constituents na gamitin ang Electronic Local Government Unit (E-LGU) system para sa online at mas magaang aplikasyon sa local services.

Sa launching ng E-LGU system caravan sa Quezon City, inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na sa pamamagitan nito ay hindi na kailangang personal na mag-apply ng permit at magbayad ng fees ang mga aplikante, at maaari na itong gawin sa kani-kanilang mga bahay.

Layunin din ng caravan na palakasin pa ang digitalization sa mga munisipalidad at kanilang mga residente.

Sa ilalim nito, magsasagawa ng island-wide caravan ang Department of the Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology, at Anti-Red Tape Authority, upang ipalaganap ang E-LGU system.

Ipinatitiyak naman ng Palasyo ang tagumpay ng E-LGU caravan kaakibat ng pagsulong ng Bagong Pilipinas.

About The Author