Mga lokal na opisyal, pinatitiyak na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng disaster evacuees

dzme1530.ph

Mga lokal na opisyal, pinatitiyak na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng disaster evacuees

Loading

Hinimok ni Senate Committee on Health chairman Christopher ‘Bong’ Go ang lahat ng lokal na opisyal sa buong bansa na iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng disaster evacuees kasabay ng pagdiriin sa pangangailangang ipatupad nang maayos ang Ligtas Pinoy Centers Act.

Ito ay sa gitna ng naganap na pagputok at patuloy na pag-aalboroto ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Ipinaalala ni Go na mahalaga ang papel ng local leaders sa pagtiyak ng maayos na kalagayan ng mga evacuees sa tuwing may kalamidad.

Bilang principal author at co-sponsor ng Ligtas Pinoy Centers Act, ipinaalala ni Go na pangunahing layunin ng batas ay magkaroon ng maayos na evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.

Ito ay upang matiyak na mayroong komportableng pagpapahingahan ang mga apektado ng kalamidad.

Dapat aniyang tiyakin na ang mga evacuation center ay may sapat na mga pasilidad tulad ng suplay ng tubig, kuryente, maayos na bentilasyon at emergency supplies.

About The Author