Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na malaya nang nakakapalaot sa Pag-asa island sa West Philippine Sea (WPS) ang mga lokal na mangingisda dahil sa pagkonti ng mga sasakyang-dagat ng China.
Base sa pahayag ng mga mangingisda, naniniwala ang PCG na ito ay dahil sa pagpapatrolya ng Coast Guard at ng Philippine Navy sa nasabing katubigan kaya nabawasan ang mga Chinese vessels.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, mayroon nang 15 distrito ang PCG sa buong bansa at pinaka importante dito ay ang mga offshore patrol vessels.
Samantala iginiit ni Balilio kaugnay sa panawagan na dapat sa mga lokal na manufacturer kumuha ng barko, ay karamihan aniya sa nabili nilang barko ay sa pamamagitan ng soft loans mula sa foreign suppliers. —sa panulat ni Jam Tarrayo