Pinaiiwas ng Malakanyang ang mga lingkod-bayan sa ingay sa pulitika, at sa halip ay mas dapat nilang tutukan ang pagpapaganda sa buhay ng mga Pilipino.
Sa kanyang talumpati sa 2025 Budget Execution Forum sa Pasay city, inihayag ni Executive Sec. Lucas Bersamin na malinaw ang misyon ng bawat public servant, ang pagsilbihan ang sambayanan nang may integridad, dedikasyon, at totoong pagmamalasakit.
Samantala, may paalala rin si Bersamin sa mga lingkod-bayan kaugnay ng pagpapatupad ng 6.326 trillion pesos 2025 national budget.
Una ay dapat nilang panatilihin ang pinaka-mataas na standards ng good governance.
Ikalawa ay ang pagsusulong ng kolaborasyon sa lahat ng antas ng gobyerno, kabilang ang whole-of-gov’t approach para sa agenda for prosperity.
Ikatlo ay ang pagtataguyod ng future proof na bansa sa pamamagitan ng digital transformation, na nakalinya sa development priorities. —ulat mula kay Harley Valbuena