Bilang paghahanda sa paparating na La Niña phenomenon, nag-organisa ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ng cleanup operations upang mabawasan ang mga panganib na dala ng mga pagbaha.
Sa Quezon City, abala ang mga street sweepers ng lungsod sa pagdakot ng mga basurang naglalabasan kasunod ng malakas na ulan.
Sa Maynila naman, simula noong Marso ay nagsasagawa ang mga opisyal ng Barangay 675 Zone 73 ng drainage at sewer declogging kada linggo, alinsunod sa utos ng Department of the Interior and Local Government.
Nagkasa rin ang Pasay City ng cleanups sa mga estero at mga daluyan ng tubig, at inatasan ang engineering office na tiyaking hindi barado ang mga kanal.
Una nang inihayag ng PAGASA na mapapadalas na ang mga pag-ulan sa mga susunod na araw dahil sa paparating na La Niña.