dzme1530.ph

Mga LGU, pinaghahanda ng DILG sa matinding El Niño

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang contingency measures at gumawa ng mga hakbang upang makatipid sa tubig.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang pagtitipid sa tubig ang isa sa mga pinakamahalagang hakbang upang mapagaan ang epekto ng El Niño, at bilang mga lingkod bayan ay dapat magsilbi ang mga lgu bilang mga ehemplo.

Aniya, gaano man kaliit ang hakbang ay malaki ang magiging epekto nito sa mga komunidad.

Inatasan din ng ahensya ang mga lgu na maglunsad ng malawakang information at education campaigns kung paano makatitipid sa tubig, kabilang na ang pagkukumpuni ng mga tubo na may tagas, gamitin ang naimbak na tubig ulan, at i-set ang temperature ng air conditioning units sa pagitan ng 22°C hanggang 25°C. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author