dzme1530.ph

MGA LGU, MAGSISILBING FORERONT SA KONSTRUKSYON NG MGA CLASSROOMS

Loading

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga lokal na pamahalaan na ang magsisilbing forefront sa konstruksyon ng mga classroom sa bansa.

 

Ginawa ni PBBM ang pahayag makaraang pangunahan ang paglagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Education at ng iba’t ibang lalawigan para sa nationwide classroom building sa malakanyang. 

 

Sinabi ng Pangulo na babaguhin na ang sistema sa pagtatayo ng mga classroom upang mapabilis ang pagresolba sa backlog.

 

Sa ilalim anya ng partnership, itatakda ng Deped ang technical standards kasama na ang disenyo ng gusali. 

 

Ang mga lokal na pamahalaan naman ang mangangasiwa sa procurement at actual construction.

About The Author