Hinikayat ng Task Force El Niño ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng online classes sa harap ng nararanasang matinding init ng panahon.
Ayon kay Task Force Spokesman at PCO Assistant Sec. Joey Villarama, batay sa kautusan ng Department of Education ay nasa mga local government unit (LGU) ang kapangyarihan sa pagpapasiya na mag-shift sa online classes mula sa face-to-face classes, kapag sobra na ang init at hindi na makapag-concentrate sa pag-aaral ang mga bata.
Bukod sa mga LGU, may awtoridad din umano ang mga pribado at pampublikong paaralan na suspendihin ang mga klase depende sa kondisyon sa kanilang lugar.
Sakali namang magpatupad ng online classes, pinapayuhan ni Villarama ang mga magulang na i-pwesto ang kanilang mga anak sa malilim o preskong lugar sa bahay, at palagi silang painumin ng tubig.