Nanawagan si Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr., sa mga lokal na pamahalaan na magkasa ng inisyatibo para sa pagpapatupad ng climate action.
Ito aniya’y sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo na susuporta sa mga proyektong tutugon sa banta at epekto ng climate change.
Kabilang sa mga inisyatibong dapat sana’y mapondohan ang disaster response at mga programa na may kinalaman sa climate action na magsusulong ng mitigation at adaptation sa mga epekto ng nagbabagong klima at global warming.
Binigyang-diin ni dela Cruz ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga LGU sa laban ng pamahalaan kontra environmental degradation tulad ng mismanagement ng waste disposal, nagpapatuloy na deforestation, polusyon sa water system, at epekto ng greenhouse gas emission. —sa panulat ni Airiam Sancho