dzme1530.ph

Mga LGU, hinimok na iprayoridad ang pagtatatag ng fire resilient communities

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan o mga LGU na bigyang prayoridad ang pagtatatag ng fire-resilient communities.

Binigyang diin ng senador na ang pangangailangan ng mabilis na pagtugon sa mga insidente ng sunog habang patuloy itong nagdudulot ng malaking hamon sa buong bansa.

Sinabi ni Gatchalian ang pangangailangan para sa mga LGU na magpatupad ng isang inisyatiba na may iba’t ibang aspeto na naglalayong mabawasan ang mga insidente ng sunog at pataasin ang kamalayan ng publiko.

Kabilang dito ang edukasyon sa pag-iwas sa sunog, pag-access sa mga gamit sa kaligtasan, at pagsasama ng mga fire safety drill sa regular na kurikulum ng paaralan upang maturuan ang bawat miyembro ng komunidad.

Higit pa sa agarang tulong, layun anya nila na tiyakin na maiwasan ang mga ganitong klase ng sakuna sa hinaharap.

Mahalaga anyang mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang bawat residente, kabilang na ang mga kabataan, upang malaman nila ang tamang hakbang para sa fire prevention nang sa gayon ay mapanatiling ligtas ang kanilang mga tahanan at komunidad. —ulat mula kay Dang Garcia

About The Author