dzme1530.ph

Mga lagusan, mamahaling sasakyan at villas, nadiskubre sa loob ng POGO Scam Hub sa Tarlac

Nadiskubre ang isang Olympic-sized swimming pool, ilang tunnels at luxury cars sa loob ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na umano’y ginagamit sa mga iligal na aktibidad ng mga scammer, sa Bamban, Tarlac.

Nalantad na higit pa sa mga opisina at dormitoryo ang sampung ektarya na Zun Yuan Technology Complex, na sinalakay kamakailan ng joint team mula sa Presidential Anti-Crime Organized Crime Commission, PNP, at AFP.

Mayroon ding mga villa na naka-reserba umano para sa mga matataas na opisyal at VIPs.

Bukod sa alegasyon ng scam, human trafficking at illegal detention, may iba pa umanong sikreto sa loob ng compound.

Natagpuan ang mga lagusan sa ilalim ng mga villa, na ayon sa mga otoridad ay maaring gamitin sa pagtakas, palabas ng POGO complex.

About The Author