Pina-alalahanan ng Simbahang Katolika ang mga Kristiyano na ang Holy Wednesday at Holy Week ay isang oportunidad para pagsisihan ang ating mga kasalanan.
Nagsisilbi anilang pa-alala ang miyerkules santo kung paano ipinagkanulo ni Hudas Iscariote si Hesus kapalit ng 30 piraso ng pilak.
Ang Holy Wednesday, na tinatawag ding Spy Wednesday ay naglalarawan ng pagtataksil ni Hudas, sa kabila ng tiwalang ibinigay ni Hesus sa pagiging apostol upang tumulong sa pagpapakalat ng magandang balita.
Matapos makita ni Hudas na hinatulan si Hesus, ninais nitong ibalik ang 30 piraso ng pilak sa mga senedrin.