dzme1530.ph

Mga kongresista, kumpiyansang mananatiling House Speaker si Romualdez

Loading

Kumpiyansa sina Deputy Speaker David Jay-Jay Suarez at Rep. Mark Enverga, na mananatiling Speaker of the House si Leyte Rep. Martin Romualdez sa pagpasok ng 20th Congress.

Ayon sa dalawang kongresista ng Quezon Province, naipakita ni Romualdez sa nagdaang tatlong taon ang kakayahan nito bilang pinuno ng Kamara.

Ayon kay Suarez, saksi siya kung paano trinabaho ni Romualdez ang legislative agenda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Para kay Enverga na stalwart ng Nationalist People’s Coalition (NPC),  naniniwala sya na magtutuloy-tuloy lang si Romualdez bilang Speaker.

Wala rin umano siyang nababalitaan na may gustong mag-challenge o contender sa pagka speaker maliban kay Romualdez.

About The Author