Ayaw patulan ng mga kongresista sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang hamong “resign” ni Davao City Mayor Sebastian Duterte kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., naka-focus sila ngayon sa legislative duties matapos maki-usap si Romualdez na huwag na itong patulan pa.
Sa panig ni Rizal Rep. Jack Duavit ng Nationalist People’s Coalition (NPC), respetuhin na lang aniya ang walang kwentang pahayag ni Baste dahil nagpaliwanag na rin ito kaya mainam na huwag nang gatungan pa.
Matapos ang hamon, nagkita sina Baste at Senator Imee Marcos, at doon humingi ito ng paumanhin sa naging pahayag sa katuwirang silakbo lamang ito ng takot na arestuhin ng International Criminal Court (ICC) ang kanyang amang si former President Rodrigo Duterte at kapatid na si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Maging si Bataan Rep. Albert Garcia, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at Deputy Speaker Jay Jay Suarez ng Quezon ay nagtimpi na rin bilang pagsunod sa kahilingan ni Speaker Romualdez.
–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News