dzme1530.ph

Mga kilos protesta ng taumbayan, dapat magsilbing babala sa mga opisyal ng gobyerno na gawin ang tama sa pamamahala

Loading

Malakas at malinaw ang panawagan ng lahat na ayusin ang trabaho sa gobyerno at iwasan ang korapsyon.

Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo kasunod ng mga kilos protesta kahapon.

Ayon kay Tulfo, malinaw ang mensahe ng mga nagprotesta na pinapanood ng taumbayan ang kilos ng gobyerno at sawa na sila sa katiwalian.

Aniya, ang nais ng taumbayan ay kumilos ang gobyerno, o sila mismo ang aagaw ng pamamahala.

Pinayuhan din ni Tulfo ang mga opisyal at kontratista ng gobyerno na sangkot sa katiwalian na ibalik ang perang kinulimbat mula sa kaban ng bayan.

Dagdag ng senador, ito ay pagnanakaw sa mahihirap na Pilipino para lamang makabili ng mga personal na luho.

Dapat aniyang ipakita sa publiko na Setyembre 21, 2025 ang huling araw ng korapsyon sa gobyerno.

About The Author