dzme1530.ph

Mga kasunduan sa 5 malalaking proyekto sa transportasyon sa Visayas at Mindanao, nilagdaan sa Malakanyang

Sinelyuhan sa Malakanyang ngayong Miyerkules ang mga kasunduan sa limang malalaking proyekto sa transportasyon sa Visayas at Mindanao.

Sa signing ceremony sa Palasyo na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nilagdaan ang contract package para sa pagtatayo ng 16.9 billion peso New Cebu International Container Port, at target itong makumpleto sa Nov. 2027.

Pinirmahan din ang expression of interest katuwang ang International Finance Corp. ng World Bank, para sa pagtukoy ng qualified operator sa 28.78-billion peso Cebu Bus Rapid Transit System Project.

Selyado na rin ang Public-Private Partnership project para sa Bohol-Panglao International Airport, kaugnay ng pag-upgrade, expansion, at operation and maintainance ng paliparan kabilang na ang konstruksyon ng bagong passenger terminal.

Nilagdaan din ang mga kasunduan sa New Dumaguete at New Siargao – Regional Airport Projects.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na sa oras na maisakatuparan, ang mga proyekto ay magbibigay-daan sa mas mabilis na paghahatid ng mga produkto ng mga magsasaka para sa pagbaba ng presyo, paglikha ng libu-libong trabaho, mas komportableng biyahe para sa commuters at maging sa mga turista, at sa pagsigla ng mga negosyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author