Pumalo na sa 568 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pertussis o whooping cough sa bansa, simula noong January 1 hanggang March 16, 2024.
Ito ay matapos madagdagan ng 28 new cases mula noong March 10 hanggang 16, 2024.
Ayon sa Department of Health, dalawampung beses na mas mataas ito kumpara sa naiulat na mga kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na umabot lamang sa 26 cases.
Sa ngayon, nasa 40 na indibidwal na ang nasawi dahil sa nakahahawang bacterial respiratory infection.
Naitala ang pinakamaraming kaso ng pertussis sa National Capital Region na may 58.
Sinundan ito ng CALABARZON, Western Visayas, MIMAROPA, at Central Visayas.