dzme1530.ph

Mga kaso ng pertussis sa bansa, lumagpas na sa 1000, ayon sa DOH

Lumampas na sa 1000 ang mga kaso ng pertussis o whooping cough sa bansa sa loob ng tatlong buwan ngayong 2024.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health, pumalo na ito sa 1,112 cases simula noong January 1 hanggang March 30, 2024.

Ito ay mas mataas ng 34 na beses kumpara sa naiulat na 32 cases sa kaparehong period noong 2023.

Sa kasalukuyan, 54 na katao na ang namatay dahil sa nasabing nakahahawang sakit.

77% mula sa kabuuuang bilang ng mga tinamaan ng pertussis ay mga bata na limang taong gulang pababa, habang 4% naman sa mga 20 taong gulang pataas.

Samantala, nakitaan ng patuloy na pagtaas ng pertussis cases ang ilang lugar sa bansa, kabilang ang Eastern Visayas, Cagayan Valley, Caraga, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region.

About The Author