Naniniwala si Senador Chiz Escudero na tanging sa Negros Oriental at hindi nangyayari sa ibang bahagi ng bansa ang talamak na karahasan na nagaganap sa lalawigan.
Kasabay nito, sinabi ni Escudero na ang tanging solusyon sa mga problema sa lalawigan ay ang pagtiyak na patas na naipatutupad ang mga batas at walang kinatatakutan o pinapaboran.
Iginiit ni Escudero na hindi uubra na may tinitingnan at may tinititigan ang pamahalaan sa pagresolba sa problema sa peace and order sa lalawigan.
Kailangan ding maipakitang mapapanagot ang sinumang lumabag sa batas at hindi dapat kunsintihin ng mga police officials at ng pamahalaan ang mga tiwaling opisyal.
Ipinaalala rin ni Escudero na ang mga local chief executives partikular ang Mayor o’ gobernador at hindi ang congressman ang may supervisory power sa mga pulis
Sa pagdinig ng senado, lumilitaw sa testimonya ng mga testigo na kontrolado ni suspended congressman Arnolfo Teves ang mga pulis sa negros oriental. —sa ulat ni Dang Garcia