Ini-report ng Comelec sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) ang ilang partikular na kandidato na umano’y gumagamit ng text blasting para sa political campaigns.
Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na ang paggamit ng text blast sa pangangampanya ay hindi paglabag sa election law, kundi sa telecommunications law, at iba pa.
Idinagdag ni Garcia na ang naturang emergency devices ay ginagamit lamang kapag mayroong mga natural na kalamidad o sakuna.
Aniya, kapag ginamit ito ng mga kandidato, nakasasagabal sila sa mga ahensya na ang layunin ay mapigilan ang epekto ng mga kalamidad, gaya ng pagbaha, lindol, o sunog, sa mga tao.