dzme1530.ph

Mga kandidato sa nakalipas na halalan, pinaalalahanan sa pagsusumite ng SOCE

Loading

Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang lahat ng kumandidato sa nakalipas na halalan na magsumite ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE hanggang June 11.

Sinabi ni Comelec spokesman Atty. Rex Laudiangco na mandato sa batas ang paghahain ng SOCE ng lahat ng kandidato 30 araw matapos ang halalan at wala itong extension.

Iginiit ni Laudiangco na malinaw sa sunod-sunod na desisyon ng Korte Suprema na walang kapangyarihan ng Comelec na baguhin ang period na laan para sa paghahain ng COC dahil batas mismo ang nagtakda nito.

Ipinalala rin ni Laudiangco na hindi maaarinng maghain ng SOCE sa pamamagitan ng registered mail.

Ito ay dahil kailangan ding masuri kung orihinal ang pirma, mga resibo at iba pang attachments sa SOCE.

Anng mga nanalo anyang kandidato subalit hindi nakapaghain ng SOCE ay maaaring hindi makapag-oath of office o hindi makaganap sa kanyang tungkulin.

Ang mga hindi makakapaghain ng SOCE sa unang pagkakataon ay pagmumultahin habang ang hindi makakapagsumite nito sa ikalawang pagkakataon ay posibleng mapatawan ng perpetual disqualification.

About The Author