Pinaalalahanan ng Comelec ang lahat ng mga kandidato na tumakbo sa Halalan 2025 na alisin ang lahat ng kanilang election posters at paraphernalia, pati na ang kanilang social media contents, sa loob ng limang araw pagkatapos ng halalan.
Ginawa ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco ang paalala, kasabay ng pagbibigay diin na posibleng sampahan ng election offense ang mga kandidatong hindi tatalima.
Babala ni Laudiangco, ang kandidatong mapatutunayang nagkasala sa naturang election offense ay maaring maharap sa diskwalipikasyon.