Nanawagan si Sen. Loren Legarda sa mga kakandidato sa 2025 National at Local Elections na huwag maging salaula sa kalikasan sa panahon ng kampanya.
Ipinaalala ng senador sa mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na may mga tamang lugar para sa campaign paraphernalias at hindi dapat sa puno.
Hindi rin aniya dapat magkabit ng posters sa mga public infrastructures, lalong lalo na sa mga monumento at historical landmarks.
Binigyang-diin pa ni Legarda na sa pagtatapos ng Halalan, manalo o matalo man ang kandidato dapat na iligpit at linisin ang kanilang mga campaign paraphernalias at kung maaari ay irecycle ang mga ito tulad ng mga tarpaulin na maaring gawing bags o placemat. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News