Hinikayat ng Malakanyang ang kababaihang Pilipino na maging bakunado laban sa Human Papillomavirus (HPV).
Ito ay kasabay ng pakikiisa ng palasyo sa Cervical Cancer Consciousness Month ngayong Mayo.
Hinikayat ng Presidential Communications Office ang publiko na makiisa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa cervical cancer.
Ang cervical cancer ay pangalawa sa nangungunang uri ng kanser sa kababaihan sa bansa.
Gayunman, maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng regular na pagpapa-screening, pagpapa-test, at pagpapa-bakuna laban sa HPV. —sa ulat ni Harley Valbuena