![]()
Itinuturing ni Incoming Executive Secretary Ralph Recto na political noise lamang ang lahat ng mga isyung lumalabas ngayon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sa panayam sa Senado matapos ang deliberasyon sa panukalang budget ng Department of Finance, sinabi ni Recto na nakatutok ang buong gabinete sa pagresolba sa katiwalian at pagpapalakas pa ng maayos na pamamahala sa bansa.
Sa kabilang dako, pabor si Recto na imbestigahan pa rin ang mga nagbitiw na opisyal ng gobyerno kaugnay sa mga alegasyon ng pagkakasangkot nila sa iregularidad.
Kumpiyansa rin si Recto na nananatili ang tiwala ng mga miyembro ng gabinete sa Pangulo kaya’t patuloy sila sa pagtupad sa kanilang mga mandato.
Kinatigan din ni Recto ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na masyadong mabait ang Pangulo kaya’t naabuso ng ilang opisyal.
