Umaasa si Sen. JV Ejercito na matatapos na ang mga isyung bumabalot sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte matapos simulan na ng Senado ang aksyon dito.
Sinabi ni Ejercito na nakapanumpa na kagabi si Senate President Francis Escudero bilang presiding officer para sa impeachment trial at nairefer na rin sa Committee on Rules ang verified complaint.
Ito aniya ang first step na ng impeachment proceedings at inaasahan niyang magtutuloy-tuloy na ito.
Bagamat naniniwala si Ejercito na divisive ang pagsasagawa ng impeachment trial, para sa kanya kailangan nilang sundin at gampanan ang kanilang tungkulin pagdating sa impeachment.
Hangad ni Ejercito na hindi maging matagal ang paglilitis para makapag-pokus sila sa kanilang trabaho na magpasa ng mga kinakailangang batas.