dzme1530.ph

Mga isyu ng korapsyon, hindi makaaantala sa paghahanda ng Pilipinas sa ASEAN Summit 2026 —PBBM

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi maaantala ang paghahanda ng Pilipinas sa pagho-host ng ASEAN Summit sa 2026 sa kabila ng mga isyu ng korapsyon.

Ayon sa Pangulo, ang mga domestic issues tulad ng mga anomalya sa flood control projects ay walang kaugnayan sa mga usapin at layunin ng ASEAN.

Binigyang-diin ni Marcos na ang mga problemang kinahaharap ng bawat miyembrong bansa sa ASEAN region ay hindi nakaaapekto sa mga desisyon at direksyon ng organisasyon.

Dagdag pa ng Pangulo, bagaman siya ang itinalagang ASEAN Chair sa 2026, wala siyang karapatang diktahan ang iba pang lider hinggil sa kani-kanilang laban kontra korapsyon.

About The Author