dzme1530.ph

Mga isinampang kaso ni Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial, ibinasura ng korte

Ibinunyag ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na ibinasura ng korte ang mga isinampang kaso ng aktres na si Debbie Garcia laban sa kapwa celebrity na si Barbie Imperial bunsod ng kakulangan ng ebidensya.

Nag-ugat ang kaso nang pisikal na magpang-abot ang dalawang aktres noong Oktubre sa isang bar sa Quezon City.

Tatlong kaso ang isinampa ni Debbie kay Barbie na kinabibilangan ng grave oral defamation, grave slander by deed, at slight physical injury.

Hindi pinayagan ang dalawang aktres na talakayin ang isyu nang maisampa na sa korte ang reklamo.

Gayunman, sinabi ni Ogie na lahat ng kaso ay na-dismiss na noong May 9.

Inihayag din ng talent manager na maaring mag-file ng countercharges si Barbie laban kay Debbie, subalit ayon sa source ay hindi na ito gagawin ni Barbie dahil ang nais lamang ng aktres ay malaman ng mga tao na siya ang nagsasabi ng totoo at hindi si Debbie. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author