dzme1530.ph

Mga ipinakalat na tauhan para sa seguridad ng Pangulo, dinoble na ng PSC

Dinoble na ang mga tauhang ipinakalat ng Presidential Security Command para sa seguridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ito ay kasunod ng banta ni Vice President Sara Duterte na ipapapatay ang Pangulo at maging si First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay PSC Civil Military Operations Officer Major Nestor Endozo, dodoblehin na ang mga nagbabantay sa Pangulo lalo na sa mga nakatakda niyang aktibidad.

Gayunman, sa ngayon ay wala pa umanong abiso kung lilimitihan muna ang mga aktibidad ng Chief Executive.

Hindi pa rin napag-usapan ang posibleng paglalagay ng bulletproof mechanism sa podium o pulpitong tatayuan ng Pangulo, o ang pagsusuot niya mismo ng bulletproof vest. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author