dzme1530.ph

MGA INSIDENTE NG PAGKALUNOD AT SUNOG, TUMAAS SA NAGDAANG SEMANA SANTA

Loading

Tumaas ang insidente ng pagkakalunod at sunog sa nagdaang Semana Santa habang nakabakasyon ang maraming Pilipino.

 

Sa datos na iprinisinta ng PNP, 59 ang naitalang drowning incidents simula March 29 hanggang April 5.

 

Mas mataas ito ng 136% kumpara sa 25 cases na ini-report isang linggo bago ang Mahal na Araw o simula March 21 hanggang 28.

 

Samantala, umakyat din sa 93 ang insidente ng sunog noong Semana Santa, na mas mataas ng 21% mula sa 77 cases bago ang Kwaresma.

 

Sa kabila naman ng mga naturang pagtaas, bumaba ang nationwide crime rate ng 23%, kung saan bumagsak ang focus crimes sa 527 mula sa 680 bago ang Holy Week.

About The Author