dzme1530.ph

Mga influencer na ginagamit ng China sa kanilang propaganda, tukoy na ng mga awtoridad

Loading

NASA 10 influencers na Pilipino ang sinasabing kinuha ng China upang magsilbing local proxies sa pagpapakalat ng kanilang propaganda.

 

Ito ang inihayag ni National Security Council (NSC) Assistant Director Jonathan Malaya matapos ilantad ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na may kinontrata ang Chinese Embassy na korporasyon para sa kanilang keyboard warriors.

 

Sinabi ni Malaya na ginagamit ang mga local proxies para palakasin at ipakalat sa bansa ang posisyon ng China sa ilang mga isyu at ang pangunahing trabaho ng mga ito ay uulitin lang kung ano ang script ng China.

 

Ilan anya sa mga influencers ay  naka-base sa China at doon pa nag-aaral.

 

Sinabi pa ni Malaya na kahit ilan sa mga ito ay nasa China, ang mga ito ay pawang mga Pilipino at may mabibigat na pangalan na tukoy na rin ng ahensya.

 

Hindi man pinangalanan ng opisyal pero tukoy na rin ang mga kandidato na nagsisilbing mouthpiece ng China na sumisira rin sa ibang mga kandidato na may matibay na posisyon laban sa China.

 

Katunayan, isa aniya si Senator Francis Tolentino sa sinisiraan dahil sa paninindigan at posisyon nito sa Maritime Zones Law na siyang nagtataguyod sa territorial integrity at security ng bansa.

About The Author