dzme1530.ph

Mga indibidwal na naglagay ng maling detalye sa SIM registration, mahaharap sa parusa

Binalaan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga indibidwal na naglagay ng maling impormasyon sa SIM registration na mahaharap sa parusa, kabilang ang pagkabilanggo.

Ginawa ni NTC Commissioner Jon Paulo Salvahan ang babala, makaraang lumabas sa reports na tinanggap ng SIM Enrollment System ang litrato ng unggoy sa SIM registration, sa kabila ng kanilang screening process.

Sinabi ni Salvahan na inatasan na nila ang mga telco na magsumite ng datos sa kaparehong mga insidente at hanapin ang fraudulent o fictitious registration.

Bumuo rin ang ahensya ng Technical Working Group upang palakasin ang Implementing Rules and Regulations ng batas.

Ang mga indibidwal na maglalagay ng maling impormasyon ay maaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon o multa na mula P100,000 hanggang P300,000. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author