dzme1530.ph

Mga indibidwal na may impormasyon sa Degamo slay case, hinikayat na magsalita na

Hinimok ni Defense sec. Carlito Galvez Jr. ang publiko na ibahagi sa mga otoridad ang lahat ng impormasyon na nalalaman nila tungkol sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa noong ika-4 ng Marso.

Sa statement, tiniyak ni Galvez na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng impormasyong makakalap upang maibigay ang hustisya sa mga biktima.

Sinabi ng Kalihim na ang Joint Special Task Force na binubuo ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, ay mayroong Unified Command Center upang mas maging accessible sa mga sibilyan.

Si Galvez, kasama sina AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino at PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ay tutulong sa pangangasiwa ng task force.

Itinalaga rin si National Bureau of Investigation chief Medardo de Lemos bilang Task Force Commander.

About The Author