Giniba ng mga kawani ng Manila Engineering Department ang mga ilegal na istruktura sa Manila North Cemetery bilang paghahanda sa pagdagsa ng tinatayang isang milyong katao sa Undas.
Ilang mga naninirahan kasi sa sementeryo ang nagtayo ng mga istruktura para gawing lagusan na kanilang pinagkakakitaan tuwing sasapit ang Todos Los Santos.
Ipinaalala naman ng pamunuan ng Manila North Cemetery na hanggang ngayong Miyerkules na lamang maaring maglinis ng mga puntod.
Simula rin sa October 29 ay hindi muna papayagan ang paglilibing sa sementeryo subalit ibabalik naman ito sa November 3.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News