Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na limitahan ang bilang ng mga IDs na pwedeng gamitin sa pagpaparehistro ng SIM.
Ito ay kasunod ng kumpirmasyon mula sa National Bureau of Investigation na sa pamamgitan ng kanilang eksperimento ay nakakapagparehistro ng SIM gamit lamang ang pekeng ID at maging ng litrato ng unggoy o anime.
Alinsunod sa SIM Registration Law, 17 ID ang maaaring gamitin sa pagpaparehistro na ang iba ay napakadali lamang makuha at walang balidasyon.
Sinabi ni Gatchalian na para sa mas epektibong implementasyon ng batas, nais ni Gatchalian na suspindihin muna ang paggamit ng ilang ID na madaling mapeke.
Naniniwala ang senador na mas magandang gamitin ang pasaporte, national ID at driver’s license.
Umapela naman si Gatchalian sa mga telecommunications companies na gumawa ng paraan na salain ang mga nagpaparehistro at pag-aralan na magkaroon ng validation process para makumpirma kung tama ba o peke ang gamit na ID. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News