![]()
Umabot sa kabuuang 49,379 metric tons ang mga isdang ibinagsak sa regional fish ports noong December 2025.
Ayon sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), mas mataas ito ng 16.34% kumpara sa kaparehong buwan noong 2024.
Sinabi ni PFDA na ang General Santos Fish Port Complex ang nakapagtala ng pinakamalaking volume noong Disyembre na may 24,908 metric tons ng ibinabang isda.
Nakapagtala naman ang Davao Fish Port Complex ng largest year-on-year increase, kung saan lumobo ng limang beses ang ibinagsak ditong isda sa 1,567 metric tons.
Umabot naman sa 17,887 metric tons ng mga isda ang ibinaba sa navotas fishport, na kumakatawan sa 51.53% increase kumpara noong 2024.
