dzme1530.ph

Mga hindi nakakatulong na opisyal ng pamahalaan, mas maiging umalis nalang, ayon kay PBBM

Loading

Binalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng pamahalaan na kung hindi sila nakakatulong ay mas maiging umalis nalang.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya magdadalawang isip na sibakin ang mga taong hindi naman nagagampanan ng mabuti ang kanilang trabaho, kahit pa ang mga ito ay kaniyang kaibigan.

Idinagdag ng Pangulo na hindi naman ito tungkol sa pagkakaibigan o pagmamahal sa isa’t isa, kundi para sa pagseserbisyo sa taumbayan.

Samantala, plano rin ni Pangulong Marcos na dalasan ang site visits dahil ang mga report na nakakarating sa kaniya ay hindi palaging tumutugma sa reyalidad sa ground.

About The Author